Pinoy ka? Tambay na! Makisali, Makisaya!

This is a No Index Site. Search Engine will not index this page until approval of your site by us


Place for 160X600 Banner We will enable the Advertisments after approval 50% of revenue will be shared with you From all the banner
Place for Second banner

Fan Ka Ba Ng Be Careful with my Heart?

be-careful-with-my-heartLahat yata ng Pinoy ay nakaabang talaga sa programang ito. Be Careful With My Heart (BCWMH) is undeniably a phenomenal show. Sa panahon ngayon, madali nang magsawa ang mga manunuod. Lalo na kapag nasa noontime, hindi naman lahat ng nanunuod kapag ganitong mga oras. Ang iba marahil ay nakaharap sa kani-kanilang mga gawain, o naghahanda ng pananghalian. But when this romantic-comedy show came, parang tumitigil na rin oras ng mga Pinoy kapag nagsisimula na ang programa. To think na hindi lang naman dito sa Pilipinas sikat ang BCWMH, pati sa abroad. Bentang-benta sina Sir Chief at Maya sa mga OFW at mga Pinoy na nasa ibang bansa na naninirahan.

Image: ABS-CBN

Honestly, when the show aired last July 9, 2012; I didn’t have any interest watching the show regardless of the fact that I’m having a little bit of crush towards Richard Yap, the man who plays the role of Sir Chief. Kaya naman na-sorpresa ako nang maging hit ang show. Iyon bang hit na hit talaga, na ang mga tao ay iyon lamang ang pinag-uusapan sa mga social networking sites. Kahit simpleng hug lang na ginawa ni Sir Chief kay Maya ay nag-trending na kaagad sa Twitter, mapa-Philippines man o Worldwide. You can just imagine how people embraced the show.


(Pilot Episode of Be Careful with My Heart)

Is it because of the celebrities in the show or is it because of the story’s plot? I think it’s both. Guwapo si Richard Yap, aminin niyo, kahit na ba hindi naman talaga siya bagets. Maganda ang chemistry nila ni Jodi Sta. Maria na matagal na sa showbiz industry, pero talagang ngayon lang nagkaroon ng big break, si Jerome Ponce na ang cute-cute, nai-imagine ko na lang ang mga babaeng napapangiti kapag nakikita siya sa BCWMH, si Janelle Salvador naman na maganda ring dilag at ang pinaka-gusto ko talaga ay si Mutya— na ginagampanan ang role na bunsong anak ni Sir Chief. I have to commend the plot, too.

sir-chief-and-maya

Maganda ang flow ng story. Kudos to the script writers! Hindi kasi iyong tipo ng plot na mauumay ka, maiinis ka at mababagot ka. Everyday is a special episode. Araw-araw may kanya-kanyang atake ng pagpapakilig ang mga characters. Iyong hindi ka madi-disappoint dahil sa nagiging takbo ng show. Mala-Cinderella story, sabi ng iba. But I don’t think so, may sariling identity ang Be Careful With My Heart, may sariling kulay at bihis ang show. Maya never ran off and left her shoes in the middle of the night, to start with. Kaya hindi mo siya maiko-compare kay Cinderella. She may be just an ordinary citizen compares to Sir Chief who’s a businessman, but Maya is full of hope and dreams. Super bubbly din kaya minahal ng mga manunuod. Siya ang nagpabago sa sobrang lungkot na paligid sa bahay ng mga Lim (Sir Chief’s family). She was able to make Sir Chief smile, as well as the latter’s children. Parang mas naging magaan sa loob ng pamamahay ni Sir Chief mula nang dumating si Maya.

Naalala ko pa noong first week ng show, naabutan ko iyong scene na lumabas si Maya habang kinakamot ang kili-kili at nakita ni Sir Chief! I really laughed at the scene. Hindi naman siya sobrang kilig na eksena, hindi rin masyadong nakakatawa pero as a viewer matatawa ka na lang sa reaksiyon ni Maya at Sir Chief. It was as if Maya did something horrible. Natawa ako sa facial expression nilang dalawa.


Heto ang ilan sa mga romantic and funny moments nina Sir Chief and Maya. Sweetness overload!!!!

I remember when I went home; my mother and I were talking about my work. But then after minutes of talking, she suddenly stood up and panicked and went straight to turn on our TV. Ang sabi niya, “Naku, Be Careful With My Heart na! Muntik na `kong ma-late!” You can just imagine how shocked and surprised I was. Kasi una sa lahat, hindi naman mahilig manuod ng TV si ina, lalo na kung tungkol sa pag-ibig ang show. Pero nakuha ng BCWMH ang atensiyon niya! Kaya hindi na ako magtataka kung buong sambayanan ang tutok na tutok sa show. Be Careful with my Heart deserves all the recognition and compliment. They worked hard for it and they made the show really wonderful to watch.

Heto ang isa pa sa mga pinakapaborito kong moment nina Maya and Sir Chief. Sobrang nakakakilig talaga! Tanda ko pa, yung tiyo kong driver na addict sa BCWMH ay halos ilapit na sa harap ng TV yung mukha niya habang pinapanood niya ang episode na ito sabay sabing “Sige na Maya, patawarin mo na!”. Sobrang natawa talaga ako.

maya and sir chiefHindi ako nako-kornihan sa mga moments ni Sir Chief at Maya, kahit alam nating uma-acting lang sila, mararamdaman mo pa rin na as if genuine ang nangyayari, na lahat ng nakikita mo sa TV ay nangyayari sa totoong buhay. The magic of the show works perfectly. Lalo na sa ating mga Pinoy. Napaka-wholesome at pwedeng-pwede kahit kanino. Pwedeng-pwede kay lola at lolo, kay Tita at kay Tito, o pati sa mga nakababatang kapatid mo. It is not really awkward to watch together with your whole family, unlike other shows. And did I mention how wholesome the show is? Yeah, I did. Katulad na lang nang naging official na ang relasyon ni Sir Chief at Maya, wala tayong nakitang mali sa eksenang iyon, aminin niyo. Para lang silang nagmi-meeting, pero nakakakilig na meeting. Si Sir Chief kasi, todo-ngisi na si Maya, seryoso pa rin siya. He was really a businessman, kuhang-kuha ni Richard Yap ang role na pino-portray niya. Ganoon din naman talaga siguro siya sa totoong buhay, pormal at lalaking-lalaki si Richard Yap off-screen. Mukhang hindi sila nagkakalayo ni Sir Chief.

Image: Facebook

Sobrang na-enjoy ko rin kung paanong naabot ni Maya ang pangarap niya. Malapit na siyang maging flight stewardess! Although, ayoko talaga noong nag-perform sila ng Gwiyomi kasama ang ibang gustong maging flight attendant. Hindi bagay at sobrang naaalibadbaran talaga ako sa Gwiyomi trend na iyan.

Favorite ko rin pala iyong sumakay ng MRT si Sir Chief, ang cute niya doon. Siya kasi iyong tipo ng taong alangan ilagay sa masisikip na lugar. Parang mas bagay sa kanya sumakay sa isang private MRT. Is there such a thing like a private MRT, anyway? Mukhang wala naman. Pero iyon nga, bagay na bagay kay Sir Chief ang eksenang iyon. Nakipaggitgitan siya sa mga pasahero. Kawawa naman siya, pero ginawa talaga niya para kay Maya. Ang haba ng buhok ni Maya, hindi ba, dinaig pa si Laida Magtalas. Chos!

I am so looking forward to the next events in Maya and Sir Chief’s romantic journey. Sana walang maging aberya para happy-happy lang, pero imposible naman yata kung wala. Kung hindi man maiiwasang hindi magkaroon ng problema, sana iyong magandang conflict naman. Hindi iyong sobrang babaw na conflict. Sana may dating, may impact sa mga manunuod para mas ma-feel nila ang dadaanang pagsubok nila Sir Chief at Maya. Na para bang kasali sila sa problema. Iyon ang gusto kong mangyari. I just want a happy ending for the two of them, lahat naman tayo ay iyon ang hiling.

mayaserchief
Kunsabagay, hindi pa naman magtatapos ang show. However, sana ma-maintain ng BCWMH staff ang flow ng story para maiwasan ang pagkabagot ng manunuod. Para mas lalo silang maging attached sa storya. Ang ibang romantic show kasi kapag sobrang maganda ang nagiging feedback ng mga tao, nag-iiba na kaagad ang mindset nila at nagiging dragging na tuloy ng istorya.

I hope Be Careful With My Heart will continue to surprise their viewers. That they will be able to maintain the positive feedback until the end. Na kung mayroon mang maging pagbabago ay swak pa rin sa panlasa ng mga tao. Again, Be Careful With My Heart truly deserves everything.

Image: ABS-CBN Forum

Tags: , , , , ,

Comments policy: We will not approve General comments. If you write a review about this article or comment then we may approve your comments. The comments like "our blog is good, I bookmark and will visit later" etc will go straight into trash
Loading Facebook Comments ...


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Current day month ye@r *

Place for 300X250banner Will appear only after approval of your site 50% of revenue will be shared to you

Recent Comments

    Archives

    Shares