Pinoy ka? Tambay na! Makisali, Makisaya!

This is a No Index Site. Search Engine will not index this page until approval of your site by us


Place for 160X600 Banner We will enable the Advertisments after approval 50% of revenue will be shared with you From all the banner
Place for Second banner

Coco Martin: My Ultimate Papable Actor

coco-martinAng pangalan ni Coco Martin sa totoong buhay ay Rodel Nacianceno. Ang antique ng name, hindi ba? Pero cute pa ring pakinggan. Kaya lang mas sosyal yata ang Coco Martin, so ang masasabi ko— “Great screen name, Papa Coco!” Anyway, siya ay ipinanganak noong November 1, 1981. Nag-graduate siya sa National College of Business and Arts sa kursong HRM. So, marunong siyang magluto! Ang suwerte ng babaeng makakatuluyan niya, for sure. Guwapo na marunong pa sa kusina.

Nakapag-trabaho din siya sa GMA network sa TV show na Daisy Siyete kasama ang mga sexbomb dancers. May mga independent films din siya na naging rason kung bakit nakapag-uwi siya ng awards. Iyong mga gay themed movies na kinabog niya. Bagay sa kanya maging bakla pero hanggang on-screen na lang. Huwag na sa totoong buhay at maraming magwawala.

Image: Wikipedia

Bago pa man siya sumikat bilang artista, kaibigan na niya si Vice Ganda. Ang sabi nga ng huli, sabay umangat ang mga karera nila sa showbiz. Ang galing, ano. Pero hindi ko pa rin lubos-maisip na wala man lang naging romantic history si Coco at Vice, or is it just me? Kasi may mga gay-straight friendship naman na walang malisya.

Okay, moving on from Coco’s friendship to Vice. All I can say is Coco really has a humble beginning. Nagsimula siya sa mga independent films. Hindi ito birong trabaho, for all we know, parang hanggang pamasahe lang yata ang ibinabayad sa mga actors kapag ganito ang trabaho. Pero dahil nga talented siya at hindi naman maikakailang guwapo ay hindi na nakapagtatakang nakapasok siya sa local showbiz at umangat ng husto ang karera. I remember him playing as Gerald Anderson’s brother in “Tayong Dalawa”, and if I’m not mistaken, his career started to blossom from there. Not that hindi pa siya kilala ng mga tao before Tayong Dalawa pero mas nakilala siya sa teleseryeng iyon. Ang tapang-tapang kaya ng role niya sa palabas na iyon, kaya mas nailabas niya ang pagiging actor. Honestly speaking, mas gusto ko pa nga siya keysa kay Gerald. Coco deserves to achieve more in his career.

Iyong role din niya sa “Minsan Lang Kita Iibigin”, bilang si Javier at Alexander del Tierro. Exceptional ang acting niya doon. Hindi biro ang pagganap ng dalawang role, ah. Bilang isang mayaman at respetadong lalaki hanggang sa pagiging rebelde at madungis na lalaki. Beat that. And of course, sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya bilang si Daniel sa teleseryeng “Walang Hanggan”, napaka-phenomenal din ng teleseryeng ito. He played the role really well. Naging young version sila ni Julia Montes sa sikat na love team nila Miss Dawn Zulueta and Mr. Richard Gomez. His latest show is “Juan dela Cruz”, super-hero slash taga-bantay at taga-patay ng mga aswang. Isa lang ang napansin ko sa show, bakit ba hindi na lang iba ang ipinares sa kanya? Don’t get me wrong but I don’t like Erich for him, at all. Or for the heroine’s role to be exact. Anyway, I have to get over it.

Coco Martin’s career also has ups and downs. Kilala niyo naman si Maja Salvador, hindi ba, at ang ex-boyfriend niyang si Matteo. Iyong sinuntok si Coco dahil nagselos ang huli. Na-link kasi si Coco kay Maja noong nagti-taping pa lamang sila ng Minsan Lang Kita Iibigan. Nag-away din si Coco at si Vice, well not really, medyo tampuhan lang daw. Kasi nga si Coco ayaw mag-guest sa Gandang Gabi Vice, ang katwiran kasi niya kay Tito Boy noong nagpa-interview siya sa Bandila, ‘nahihiya’ raw siya. Well, talaga namang medyo mahiyain si Coco. I can also feel that he’s really not comfortable sitting for an interview. Ganyan siya, eh, wala na tayong magagawa. Pero sana one day, pumayag na siya sa GGV. It will surely be a fun episode for the show. If you have watched Vice Ganda’s concert, or you did watch it in YouTube, you would know how Coco Martin made amends to Vice. Kinantahan niya ng ‘Pusong Bato’, pero mas bagay yata ang pusong mamon! Kidding aside, halatang nagulat si Vice at hindi expected na darating sa concert niya ang kanyang best friend. At hayun nga, mukha namang okay na sila. Hindi rin naman ganoon kalalim ang source ng tampuhan nila, pasasaan ba at magi-guest din iyang si Coco sa GGV. Let’s wait for it!

Coco Martin gained and will surely gain more fans in the near future. Kahit na ba may mga critics din siya, oh well, sino bang artista ang walang basher? Tell me. Hindi ba, wala? Lahat meron. May mga critics nga si Coco Martin na naglipana sa Facebook. Kesyo hindi raw makapag-pronounce ng maayos si Coco kapag may letrang ‘s’ na sinasabi. I remember seeing a post in my Facebook newsfeed about Coco. Ginawan ng caption ang picture niya para sa Juan dela Cruz at ang nakalagay ay— “Ilabat ang bakal na krut”. Natawa kayo, ano? O hindi niyo na-gets. Ganyan daw kasi mag-pronounce si Coco kaya ginawa nilang katawa-tawa. Then again, kung isa kang tunay na taga-hanga, hindi mo na papansinin kung ano mang kapintasan niya. Speech problem lang iyan, hindi katulad ng ibang actors na babaero, lasenggero, user, mayabang, at feeling guwapo. Si Coco, mabait at matulungin. Kahit hindi mo naman kilala personally o hindi pa nakakasalamuha ay talagang masasabi mo nang mabait siya at hindi mapagkumbaba. Hindi rin lumaki ang ulo.

Ang busy-busy na niya ngayon, isinugod pa nga siya sa ospital nitong nakaraang linggo dahil sa over-fatigue. Patunay lamang na sobrang abala na ni Coco Martin. Kali-kaliwa ba naman ang project, plus doing Juan dela Cruz requires a lot of work. Hero kasi siya doon.

Sa pelikula naman tayo ni Coco, naalala ko ang pelikula niya under Star Cinema entitled “Sa `yo Lamang”. Grabe, basang-basa ang panyo ko nang pinanuod ko ang movie. Sa case ng role ni Coco, basagulero at babaero si Coco doon. Pero mas lalo yata akong na-magnet sa kanya dahil sa role niya. Bagay sa kanya ang habulin ng mga babae. Iyong bang titigan mo lang ang mga mata niya, mababato-balani ka na. Ngumiti lang siya, manghihina na kaagad ang mga tuhod mo na para bang may arthritis ka. May appeal talaga siyang hindi mo maipaliwanag. May ‘something’ sa iba’t ibang feature ng mukha niya. No wonder, maraming fans ang nababaliw sa kanya.

Marami na rin ang na-link sa kanya. Katulad na lang ni Maja Salvador, Julia Montes and Erich Gonzales. Sa tatlong dilag na ito, mas gusto ko si Julia. I think she would be the perfect girlfriend for Coco. Bagay din kasi sila talaga. Pati na rin pala si Angeline Quinto, puwedeng-puwede rin siyang maging girlfriend ni Coco. She’s funny and really cute. Baka sakaling mawala na ang pagiging mahiyain ni Coco kapag nagkatuluyan sila, ang ingay kasi ni Angge. Naalala ko pa nang sabihin ni Angeline na nililigawan niya si Coco. Teka, ano na nga bang update sa kanilang dalawa. I am thinking maybe Angeline’s ‘courting’ to Coco didn’t succeed. Baka mas prefer ni Coco ang mahinhin ang babae at siya iyong nanliligaw. Hindi iyong babae ang nanliligaw sa kanya.

However, as a fan, we don’t have any right or power to take over his love life. Nasa kay Coco pa rin ang desisyon kung sino ang makakatuluyan niya, whether the girl is from showbiz or not. What we can do is just hope that he’d get a nice woman that he would spend his lifetime with. Bata pa naman siya, no need to hurry.

Tags: ,

Comments policy: We will not approve General comments. If you write a review about this article or comment then we may approve your comments. The comments like "our blog is good, I bookmark and will visit later" etc will go straight into trash
Loading Facebook Comments ...


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Current day month ye@r *

Place for 300X250banner Will appear only after approval of your site 50% of revenue will be shared to you

Recent Comments

    Archives

    Shares