Pinoy ka? Tambay na! Makisali, Makisaya!

This is a No Index Site. Search Engine will not index this page until approval of your site by us


Sino si Miss Romantika?

Kumusta, mga giliw na mambabasa? Ako po si Anne, pero tawagin niyo na lang ako sa pangalang “Miss Romantika“. Alam kong medyo laos na at gasgas na ang napili kong username pero yun lang kasi ang unang pumasok sa isip ko habang ginagawa ko ang blog na ito. So, pagpasensyahan nyo na. Mangyari pong pagtyagaan na natin.

Hindi ito ang first time na magsusulat ako online. Sa totoo lang, marami-rami na rin akong blog posts na naisulat. Malamang na nabasa nyo na ang isa sa mga yun. Pero dahil ginagawa ko itong libangan, at source of income na rin kung minsan, ang ilan sa mga naisulat ko na ay hindi ko maaaring i-claim as mine. Pero dahil gusto kong maihayag ang aking opinyon, kuro-kuro at palagay sa mga napapanahong issue (at maging sa mga lipas na), naisipan kong magsimula ng sarili kong blog.

Kaya opisyal kong binubuksan at sinisimulan ang aking “Pinoy Hub“!

Dito sa blog na ito, ihahayag ko ang aking sarili. Magbibigay ako ng opinyon, suhestyon, mga tips at mga walang kabuluhang kwento na siguro kahit papaano ay lilibang sa inyo at pwede na ring pagtyagaan bilang pampalipas oras.

Sino nga ba si Miss Romantika?

Para bigyan kayo ng ilang idea kung sino ako, heto ang ilang detalye tungkol sa akin.

Name: Anne
Alias: Miss Romantika
Age: 23 years old
Hometown: Laguna
Katangian: Masayahin, Business-minded, Mabait daw, Generous
Hobbies and Pastimes: Blogging, TV, Computer Games, Watching Movies, Online Streaming, Cooking, Eating
Likes: Mabait, Masayahin, With Sense of Humor
Dislikes: Madrama, Maarte, Selfish

DISCLAIMER

Gaya ng nabanggit ko, ang blog na ito ay itinuturing kong sanctuary. Isusulat ko ang aking opinyon, kuro kuro at tips sa ilang pagkakataon. Maaaring ang ibang posts na maisusulat ko ay against sa opinyon ninyo. Pero tulad ng parati kong nababasa, respect other’s opinion. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasang-ayon sa iyo ang lahat.

So, I hope you enjoy your stay in my sanctuary as much as I do.

xxxxxxx
Miss Romantika

Loading Facebook Comments ...


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Current day month ye@r *

Place for 300X250banner Will appear only after approval of your site 50% of revenue will be shared to you

Recent Comments

    Archives

    Shares