Pinoy ka? Tambay na! Makisali, Makisaya!

This is a No Index Site. Search Engine will not index this page until approval of your site by us


Place for 160X600 Banner We will enable the Advertisments after approval 50% of revenue will be shared with you From all the banner
Place for Second banner

Love Online: Mahal Kita Kahit Di Pa Kita Nakikita

online-datingSa makabagong panahon ngayon, usong-uso na sa mga tao ang iba’t ibang social media sites katulad ng Facebook, Instagram, Twitter…etc. Nandiyan na rin ngayon ang iba’t ibang dating sites para sa mga gustong maghanap ng pag-ibig online. Ngayon, maraming nagtatanong; posible nga bang ma-in love sa isang taong nakilala mo lang online?

Ang sagot diyan ay ‘Oo, posibleng-posible talaga’. Bakit naman kasi hindi. Marami nang couple ngayon na nagkakilala sa pamamagitan ng Internet. Ang mga nagsipag-asawa ng foreigner na nakilala lamang nila online ay naging matagumpay naman ang pagsasama. Isa pa, mas convenient na para sa iba ang makipagkilala online. You can just click and send request and then, voila! You’re already connected. Ganyan na ka-high technology ngayon. Kaya aminin niyo man o hindi, nagdadala ng kakaibang excitement at kilig ang pagkakaroon ng karelasyon online. Iyong nag-uusap lamang kayo through Skype, mas nagiging sweet kayo kapag ganoon. Plus hindi rin nakakasawa dahil nga hindi naman kayo nagkikita araw-araw. It will be a new experience.

Falling in love online is not difficult. Kapag kausap mo ang isang tao sa pamamagitan lamang ng teknolohiya, hindi iyon naiiba sa pagkakaroon ng date personally. Well yes, they have differences… pero parang ganoon na rin iyon dahil sa pakikipagkuwentuhan ninyo and all. Mas magiging okay pa nga iyon dahil hindi kayo mabo-bore sa isa’t isa sa pakikipag-usap kumpara sa pakikipag-date in person. Kasi naman sa online, you can tell him/her that you have to log out for a while. Mag-usap na lamang kayo mayamaya. Sa personal, hindi mo naman yata ito magagawa.

And granted that love online is basically a long distance relationship, mas nagkakaroon ng extra romance sa pagitan ninyong dalawa. It’s a very unusual feeling and relationship. Maiisip mong mahirap pero mas lalo ka lang magkakaroon ng inspirasyon para ipagpatuloy ang isang relasyon. Now, you may ask… what if hindi naman talaga siya ang nakikita ko sa camera (which is a very rare case), what if hindi naman talaga siya mabait tulad ng ipinapakita niya, o what if may girlfriend na pala siya sa lugar nila? Hindi talaga mawawala iyang mga ‘what ifs’, and if I may add… may mga ‘what ifs’ din namang nangyayari kahit na nasa iisang lugar lamang kayo ng karelasyon mo. It’s just a matter of fact and instinct.

love-online

Malalaman mo naman kung nagsisinungaling ang isang tao. Malalaman mo naman kung nagpapanggap lamang siyang mabait sa durasyon ng pag-uusap ninyo online. You can easily figure out which is which. You can piss him/her off, at makikilala mo na ang tunay na siya. O kung hindi man siya magalit, that means… hindi talaga siya pikunin. Isa lang iyan sa mga pwede mong gawin kung gusto mo talagang kilalanin ang isang tao.

Speaking of knowing that person, kailangan mo ring maging tapat sa kanya. Be honest. Huwag magpanggap ng kung ano-ano dahil pagsisisihan mo rin iyan pagdating ng panahon. Gamitin ang pagbababad ninyo sa pagcha-chat para sabihin sa kanya ang mga characteristic mo. That way, magiging open na rin sa iyo ang isang tao.

Nandiyan ang napakaraming website para mag-usap at makapag-communicate ang dalawang tao. Nandiyan ang Skype, Yahoo Messenger at Facebook. Sa mga ganitong kaso, nariyan ang malimit na pagpapadala ng picture sa Facebook, pagpo-post ng mga cheesy lines, at pagtitinginan na parang hindi na mapuputol sa Skype. Hindi mo naman masisisi ang mga taong nakasalalay ang relationship sa teknolohiya, ganyan talaga.

And you know what, kahit pa hindi pa nakikita ng dalawang tao ang mukha ng isa’t isa… may possibility na na magka-in love-an. Sometimes, love is just blind… literally. Hindi na magma-matter kung anong physical appearance ng kausap mo, lalo na at nakapag-build na kayo ng relationship at bond. Iyong napapatawa ka niya at huling-huli kung anong mood mo tuwing kausap mo siya. Mabilis na nade-develop ang feeling kapag ganito. Mawawalan ka na ng interes sa kung ano man ang itsura niya, well… naroon pa rin naman pero mas nagkakaroon ka ng deep interest sa kung ano ang character niya. You’re more drawn to his/her character than his/her physical features.

Mayroon namang nai-in love na kahit sa boses pa nga lang. Lalo na at may kasamang harana at pagkanta na ipinapadala niya through your email. O pwede ring tawagan ka na lang at saka ka haharanahan. Girls will go above and beyond happiness in these situations. Mas magkakaroon ng ‘kilig factor’. Kaya hindi talaga malayong magkahulugan ang loob ng dalawang taong nagkakilala lamang online. You cannot wonder and you cannot ask why, it just happens. Marami na rin namang successful marriage na nagsimula ang relationship sa Internet.

According to study, mas nagkakaroon ng intimacy kapag hindi mo kasama ang karelasyon mo o tanging sa Internet lamang kayo nagkakausap. Technology can be your best friend. Makakatulong ang Facebook, Twitter, emails at mga intra-office chat systems. Marami kang makakatulong para mapalago ang relasyon mo. You can be more creative when you’re far away from your loved one. Mas makakaisip ang isa ng kung ano ang gagawin niya para mapasaya lamang ang karelasyon niya na nasa malayo. You can find a lot of things and ideas on the Internet. Pwede mong ugaliing magpadala ng mga animated cards sa iyong kabiyak through email, pwede kayong mag-bonding sa Facebook sa tulong ng Candy Crush Saga… magbigayan ng energy at magtawanan kung hindi makausad sa isang level. Mas magiging masaya ang bonding. There’s your phone, tawagan mo siya bago ka matulog o paggising mo sa umaga. Marami ng mga call and text package sa mga mobile network. Tawagan mo siya at sabihin mo na mahal na mahal mo siya… and you should mean it. Hindi dahil sa sinabihan kang tawagan siya at sabihin na mahal mo siya ay gagawin mo na for the sake of following my advice, siyempre dapat tapat sa puso mo ang sasabihin mo. Plus love online also requires effort from both parties, ‘It takes two to tango’ nga hindi ba. Iwasan ang mga bagay na makakapag-upset sa isa, lalo na at malayo kayo. Dapat mong i-assure sa kanya na deserving ka sa tiwalang ibibigay niya at hindi mo iyon sasayangin. At talagang hindi mo dapat sayangin dahil hindi mura ang ‘tiwala’ online. Trust is way more expensive online, so don’t waste it.

online-love

It’s not really impossible, is it? Wala namang masyadong ipinagkaiba sa personal ang love online. Although you really must pay attention to details especially when the time comes that you two decided to meet. Hindi basta-bastang hakbang ito. Dapat maging maingat. Hindi mo dapat ikatwiran sa sarili mo o sa ibang tao na ‘Okay lang ako, ilang buwan ko na siyang nakakausap, eh. Mag-i-isang taon na nga kami’.

Kung makikipagkita ka sa taong nakilala mo online, na naging boyfriend mo na, be smart and alert. Hindi iyong parang makikipagkita ka lang sa isang kaibigan na hindi mo nakita for how many years. Regardless of the fact na ‘nakilala’ mo na siya online, dapat mo pa ring isipin na isa pa ring siyang ‘estranghero’ lalo na at unang beses niyong magkikita. Kung makikipagkita ka sa isang tao (lalo na kung ikaw ay babae), piliin mo iyong matataong lugar. Huwag kang basta-basta pumayag kapag sinabi niyang ako na ang bahala kung saan tayo pupunta. Again, be alert. Baka naman yayain ka sa kung saan ay tatango ka lang na parang wala lang, parang ‘Take me anywhere with you’ lang ang drama. Huwag ganoon, maraming napapahamak sa katangahan.

There, kapag naging successful na ang pagkikita ninyo, mas magiging maayos na ang daloy ng relasyon ninyo. Not that I’m saying your relationship will be smooth sailing, ang ibig kong sabihin ay in a way, makakatulong ang inyong pagkikita sa relasyon ninyo.

Baka maging isa ka sa mga babaeng happily married na sa lalaking nakilala lamang nila online. There are so many couples who started knowing each other online. Kaya naman isang malaking posibilidad ang paghahanap ng love online.

Comments policy: We will not approve General comments. If you write a review about this article or comment then we may approve your comments. The comments like "our blog is good, I bookmark and will visit later" etc will go straight into trash
Loading Facebook Comments ...


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Current day month ye@r *

Place for 300X250banner Will appear only after approval of your site 50% of revenue will be shared to you

Recent Comments

    Archives

    Shares