Pinoy ka? Tambay na! Makisali, Makisaya!

This is a No Index Site. Search Engine will not index this page until approval of your site by us


Place for 160X600 Banner We will enable the Advertisments after approval 50% of revenue will be shared with you From all the banner
Place for Second banner

Kabit VS Legal Wife: Another Secret Affair Story

cheatingKerida o Legal Wife

Sino ba ang hindi nakakaalam sa salitang “kerida”? Lahat yata tayo ay alam kung ano sila at kung ano ang nagagawa nila sa lipunan. Marami nang gulo ang nangyayari dahil sa mga kerida. Ang sabi nga ng nakararami, sumisira sila ng pamilya… na tila isang tornado na winawasak ang dinadaanan. It’s true, yes. Dahil nandiyan si Legal Wife. Ang totoong asawa ng lalaking karelasyon ni Kerida.

Well, let’s not generalize. Isipin natin ang kalagayan ng isang kerida. Iba-iba sila, and that’s the reality. May kerida na ayaw naman talagang makipagrelasyon dahil alam nilang may pamilya na ang lalaki, pero na-in love na nang tuluyan kaya wala nang nagawa; may kerida naman na sadyang wala lang talagang puso at hindi na iniisip ang pamilyang masisira niya. Let’s get real, people… there are women who really don’t give a single ‘care’ about the situation. All they know and all they care about is their happiness.

‘Kiber sa masasaktan’, iyan ang madalas na nasa isipan ng mga walang puso na kerida. Kesyo alam na nilang may pamilya ang lalaki, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pakikipagrelasyon. Ang mga walang alam na kerida naman ay kawawa rin naman. All we could blame is the guy. Siyempre, iyong hindi niya sinasabi sa babae na may pamilya na siya. Ang scenario ay iniisip ng babae na siya lang talaga sa buhay ng lalaki hanggang sa umasa na siyang ihaharap siya sa altar ng lalaki. Anyway, mistresses nowadays are just too contented being a mistress, especially if they really love the guy. It works that way. Kapag mahal mo, iisipin mo na lang na okay lang na dalawa kayo sa buhay niya. Na okay lang na may asawa siya, basta kasama ka niya at kasama mo siya. Makukuntento ka na roon nang hindi man lang iniisip ang pamilya niya.

why-do-mean-cheat

On the other hand, being the legal wife is more stressful. Iyong malaman mo pa lang na may kerida ang asawa mo ay papatayin na ang puso mo. Masasaktan ka sa sarili mo, sa pagsasama niyo, at sa mga anak ninyo. Iba-iba ang diskarte ng mga asawa sa mga ganitong sitwasyon; may mga iiyak na lang at magpapasyang makipaghiwalay dahil hindi na kaya ang sakit at stress, may iba naman na matatag talaga ang loob at para na rin sa mga anak, titiisin na lamang ang sitwasyon at may mga misis naman na maihahalintulad mo bilang mga amazona— matatapang at walang inaatrasan, ipaglalaban talaga ang mister nilang may kerida. Iyong mga misis na susugod talaga sa kerida at makikipagsabunutan. I was able to watch a news about it, may misis na nagsabing kung maaari lamang daw na patayin niya ang kerida ng mister niya ay ginawa na niya. The anger will rise up to madness. Kung ikaw ang asawa, malamang na sasabog ang dibdib mo sa sama ng loob at sakit, dadating ka talaga sa puntong gusto mong manakit. Kunsabagay, depende rin naman ito sa karakter ng isang babae.

There are those wives who just shrug off their shoulders. Mas iniisip na lamang nila ang kapakanan ng mga anak nila. Ito ang mas nakaka-frustrate, may ikino-consider kasi ang mga asawa, lalo na ang may mga anak. Hindi pupuwedeng sabihin agad na maghiwalay na lamang sila. Hangga’t may nakikitang kaunting pag-asa ay gagamitin pa rin para lang maisalba ang pagsasama ng mag-asawa. The ‘forgive and forget thing’, siguro nga magagamit talaga ang ‘forgive’, pero ang ‘forget’, I doubt kung sadyang makakalimutan ng isang asawa ang ganitong mga pangyayari. The pain and the scar made by this ‘mistress situation’ will haunt her forever. Kaya nakakabilib iyong mga misis na nangaliwa na nga ang mister ay napapanatili pa rin nilang buo ang pagsasama nila.

Depende lang talaga siguro sa sitwasyon, depende sa tatag ng loob at depende kung paano mo haharapin ang problema bilang babae, bilang ina at bilang asawa. Mahirap maging asawa, kahit iyong mga single pa at wala pang pamilya ay kahit papaano’y maiintindihan ang salitang ‘sakripisyo’ ng isang asawa. Masakit na nga iyong nobyo mo pa nga lang, how much more kung asawa mo nang talaga. Iyong kasal na kayo at may pamilya na, mas doble ang sakit at pagdaramdam ang iindahin mo.

Image: VivaFilms

Image: VivaFilms

Ang Kerida versus Legal Wife ay kalat na yata sa iba’t ibang bahagi ng mundo, noon at ngayon— lalo na rito sa Pilipinas. Mas naging well-known lang dahil sa teknolohiya ngayon. From videos and pictures that we can easily access through the Internet. Iyong keridang sinabunutan ng misis sa mall, may insidente pa na sumugod pa talaga ang misis sa kerida na may dalang baril… mas madaling kumalat ang mga ganitong balita dahil sa mas high-end na technology ngayon. At higit sa lahat, nandiyan ang mga pelikula. The movies that contains plot about mistresses and wives! Nandiyan ang No Other Woman, A Secret Affair and The Mistress, hindi basta-bastang mga pelikula ito… these are blockbuster movies. Maraming nanuod at sumuporta. Mas lalong naging laganap ang Kerida VS. Legal Wife. Naging sikat ang mga ganitong plot dahil sa mas nagiging laganap na ang mga kerida. Ang mga insidenteng naibabalita sa telebisyon na sangkot si Legal Wife, si Kerida at si Nangaliwa.

I think Filipinos got fascinated by these movie themes because it is part of every relationship. Kung hindi man ‘every relationship’, malamang na almost every relationship ay may ganitong problema. I mean, come on; aware naman tayo sa kalakaran ng mga lalaki. It is in their nature. Natural na sa kanila ang maging marupok sa tukso, natural na sa kanila ang tumingin sa ibang babae at parang naging natural na rin sa kanila ang magkaroon ng extra affair. Hindi na nakuntento sa asawa! I’m not saying that all men are the same. Mayroon pa rin namang mapipili pero mahirap hanapin, if you know what I mean. Iyon bang kailangan mo pa yatang suyurin ang buong sulok ng bansa para makahanap ng lalaking one-woman-man. Ipagpalagay na lang natin na walo sa sampung lalaki ay madaling matukso at nai-involve sa ibang babae.

Reality bites but you have to accept this. And this is one of the reasons why Filipinos are more drawn to these movies. Nakaka-relate sila, nagkakaroon sila ng lesson from the movie o gusto lang talaga nilang manuod dahil feeling nila sila ang karakter ni Anne Curtis na kabit o sila si Cristine Reyes na siyang asawa. Mas nagkakaroon ng point of view ang misis, lalo na ang kerida. Pati na rin ang nangaliwa. Even in No Other Woman, nagkakaroon din ng confrontation at sabunutan. I can say that some of the viewers who have experienced the situation will find themselves smiling or crying. Lalo na ang mga babae, lalo na at may pinagdadaanan sa buhay mag-asawa. Mas nagkakaroon sila ng sense of security… kahit papaano. Naiisip nila na baka naman maging katulad sa movie ang buhay nila. Na magbabago ang mga asawa nila at tatalikuran na ang kerida. Nangyayari namang talaga sa totoong buhay ang mga nangyayari sa pelikula… minsan, at may mga kilala naman akong mga lalaki na nagbago nang talaga at mas pinili ang pamilya.

Sana nga lahat ng problemang ganito ay ganyan ang ending, may iba naman kasi na tuluyan ng nagkakahiwalay at mas pinili ang kerida. It’s tragic, yes. But remember that it is not the end of the world. Maniwala ka sa karma.

Para naman sa mga pumapasok sa isang relasyon, na alam nilang may pamilya na ang lalaki… you’re old enough to know what’s right from wrong. Isipin mo na babae ka rin, isipin mo na magiging ina ka rin. Gusto mo bang danasin ng mga anak mo ang mararamdaman ng mga anak ng lalaking karelasyon mo oras na malaman nila na may kerida ang tatay nila? Women are supposed to be teammates and it should remain that way. Pairalin ang sisterhood, paganahin ang utak at maging responsable. Marami pang lalaki diyan na walang responsibilidad sa pamilya, para na rin maiwasan mong makasakit ng iba.

Ansabe nga ni Ms, Jacklyn Jose sa Secret Affair:

“Kaya mga kabit, kasi parang linta kung kumabit, Kaya Kerida, kasi mga kire, Kaya mistress, kasi nakaka-stress…”

Comments policy: We will not approve General comments. If you write a review about this article or comment then we may approve your comments. The comments like "our blog is good, I bookmark and will visit later" etc will go straight into trash
Loading Facebook Comments ...


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Current day month ye@r *

Place for 300X250banner Will appear only after approval of your site 50% of revenue will be shared to you

Recent Comments

    Archives

    Shares